INFORMATION
  • 勝手ながら編集&更新を中止しました。
  • 楽天ショッピングならフィリピン関連商品が簡単に揃います。
SEARCH
SUPPORT
     
TAGS
Dictionary , Words , Tagalog , タガログ語 , History , 辞書 , Alphabet , フィリピン , 俗語 , Dictionaries , 文字 , 歴史 , Links , site , 文法 , ルソン島 , Brahmi , オーストロネシア , マニラ , 結婚 , Filipino , Lesson , 発音 , 音声 , Menu , 出会い , 単語 , 罵倒 , 口説き , デート , Baybayin , 基本 , Pilipino , 電話 , 銀行 , 郵便局 , Language , 英語 , Translation , About , Filipina , Check , 美容院 , 床屋 , 行動 , 会話 , Another , ラテン , 乗り物 , レストラン , デパート , 雑貨屋 , 市場 , 音節 ,
APPENDIX
Baybayin alphabet
Pinoy Dictionary Uu

U
uhugin: sipon na tumutulo sa sa ilong na may halong kulangot.
halimbawa: mukhang uhugin si jorelle regala.

ulikba: maitim. salitang pampango na ang ibigsabihin ay maitim na manok. [dark skin].
halimbawa: Tama na yan pagpunta nyo sa beach ... puro na kayo ulikba.

umbag: see ombag.
halimbawa: peace tayo ... walang umbagan ...

under: see ander or under de saya.

under de saya: takot sa misis. [husband afraid to his wife.]
halimbawa: Yan si Manoy, under de saya.

under the saya: see under de saya.
halimbawa: ang mister mo ay isang under the saya ... paglabahin mo nga yan!

under the table: lagay o suhol. [bribe]
halimbawa: kung di ka maga-under the table di kikilos ang mga hinayupak!

Uste: Tawag sa UST o University of Santo Tomas [A moniker for UST - The University of Santo Tomas]
halimbawa: Ano kayo, Uste naman ang "The Grand Old University!" Anong sinabi ng 1903 ng peyups sa 1611 namin???

utak-biya: bobo. Hinalintulad sa biya kc maliit ang ulo na parang walang utak. [dumb]
halimbawa: Hay, si tukne talaga, minsan utak-biya. Lagi tuloy napapaaway.

Uto: lokohin, paniwalain [to fool, make believe otherwise]
halimbawa: O ano, na uto ka na naman ng mga pinsan mo.

Uto-uto: Madaling lokohin, sunod-sunuran, madaling mapaniwala; Uto [gullible, naive, easily fooled]
halimbawa: Mapapahamak na naman yan syota mong uto-uto.

utol: kapatid. galing sa salitang "kaputol". [sibling]
halimbawa: Yan si Robin, ang utol kong barumbado.

ututan dila: kaibigan o barkada. kakulitan o kwentuhan. [friend. partners in crime]
halimbawa: sige tanong mo pa kay pekto ... di ka nyan lolokohin ... ka ututan dila ko yan e!

Uwe: Tawag sa UE o University of the East [A moniker for UE - The university of the East]
halimbawa: Hehe top naman lagi sa board ng dent at med kaming mga taga Uwe!

uzi: galing sa salitang "USIsero".chismoso, taong mahilig magusisa.
halimbawa: Hwag tayo mag jamming, ang daming uzi dito.

1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 | 47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 | 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 | 61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 | 68 | 69


  • seo